About the Event
Hiraya: Isang Paligsahan sa Pagsulat ng Tula Para sa Pagpapalaya Mula sa Lahat ng Uri ng Pagtatangi Batay sa Kasarian
Sa mithiin na mapaunlad ang ating mga isipan sa pagtanggap sa iba't ibang kasarian, handog ng Kapatirang Sigma Delta Pi sa inyo ang “Hiraya: Paghamon sa mga Pamantayan ng Lipunan Ukol sa Kasarian”.
Ito ay isang patimpalak sa pagsulat ng mga tula na tumatalakay sa kinakaharap na diskriminasyon sa iba't ibang kasarian sa lipunan. Layon nito na hamunin ang pyudal at patriyarkal na sistema at hikayatin ang bawat isa na umalpas mula sa pagtatanggi sa kani-kaniyang sekswalidad.
Panuntunan
• Ang paligsahang ito ay bukas sa lahat ng mga estudyante at organisasyon ng Unibersidad ng Pilipinas-Maynila
• Ang isusumiteng tula ay dapat isulat sa wikang Filipino
• Maaaring gumamit ng anumang anyo ng tula sa paligsahang ito, ngunit hindi hihigit sa sampung (10) saknong.
• Ang tula ay dapat tumalakay sa mga isyung may kinalaman sa diskriminasyon sa iba’t ibang kasarian.
• Ang pagsusumite ng kopya ng tula ay sa anyo ng soft at hard copy.
• Sa pagsusumite ng hard copy, i-print ang inyong tula na naglalaman ng mga impormasyon tulad ng inyong pangalan, taon at kurso, at bumero ng telepono.
• Sa pagsusumite naman ng soft copy, puntahan ang link na ito: tinyurl.com/HirayaSDP – at punan ang mga detalyeng hinihingi
HULING ARAW NG PAGSUSUMITE NG TULA: IKA-14 NG SETYEMBRE 2016
Para sa iba pang mga detalye, maaaring sumangguni sa mga sumusunod na numero:
Joy- +639161648965
Kim-+639065629220
Isang malugod na pasasalamat sa aming media partner, ClickTheCity.com